PAKIKIPANAYAM
Ang pakikipanayam o interbyu ay ang pangangalugad ng isang impormasyon na isang paraan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nanh harap-harapan. Kung nais nating makuha ang kinakailangan nating kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman na nais na maipabatid.
Pakikipanayam sa tindera;
Ako si Angelika V. Nava at ang aking kakapanayim ay isang tindera sa barangay MALALINTA SAN MANUEL, ISABELA na nag ngangalang Regina Acosta.
Angge: Magandang Araw po lola!
Tita gina: Magandang Araw din sayo!
Angge: Lola pwede ko po ba kayong kapanayamin?
Tita gina: Tungkol saan ba?
Angge: Tungkol po sa inyong pagtitinda o pagiging isang tindera?
Tita gina: sige,pwede naman
Angge: Uumpisahan na po natin ang pananayam natin tita!
Tita gina: sige,ano ba tatanungin mo?
Angge:Tita bat po niyo naisipang magpatayo ng sari-sari store?
Tita gina: Nagpatayo ako/kami ng asawa ko ng sari sari store para may panghanap buhay kami at para matustusan namin ang aming pangangailang sa aming pang araw araw na pangangailangan.
Angge: Malaki naman po ba kita niyo tita?
Tita gina: Ayos lang naman yung kita namin sa isang araw.
Angge: Sabagay po, may mga kakompetensiya kayo na mga tindahan sa mga kapitbahay niyo tita.
Tita gina: Oo.
Angge: Sige po tita, Maraming salamat po lola sa oras na binigay mo sakin sa pananayam.
Tita: Walang anuman.
Ms. ANGELIKA V. NAVA
No comments:
Post a Comment