Tuesday, July 30, 2019

                          EDITORYAL 
 Maigting na kampanya sa illegal na droga
NARARAMDAMAN na ang sinabi ni President Duterte noong nakaraang linggo na ang huling tatlong taon niya sa puwesto ay magiging mabangis laban sa drug traffickers at pushers. Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod ang pagkakapatay sa mga drug suspect na nanlaban sa mga awtoridad. Marami ring nahuling “tulak”. At kahit marami nang napapatay at nahuhuli, marami pa rin ang guma­gawa nang masama – patuloy pa rin sa pagtutulak. Hindi lang shabu ang itinutulak ngayon kundi pati ecstacy na isang party drugs.
Kamakalawa, napatay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pinakamalaking supplier ng ecstacy sa Metro Manila. Nakipagbarilan sa mga awtoridad si John Steven Pasion maka­raang salakayin ng PDEA ang unit nito sa isang condominium sa Sta. Cruz, Manila. May dalang arrest warrant ang PDEA pero nagtangkang tumakas at nakipagbarilan. Tinamaan sa dibdib ang suspect. Naaresto naman ang ka-live-in nito na nakilalang si Irene Mercado. Si Pasion ang sinasabing taga-supply ng ecstacy sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.
Noong isang araw, naaresto naman ang isang 60-anyos na babae at nakuhaan ng P3-milyong halaga ng shabu sa bahay nito sa Makati. Nakuha sa suspect ang kalahating kilo ng shabu. Nakilala ang babae na si Susan Mata. Sabi ni Mata, inutusan umano siya ng kanyang asawa na ideliber ang shabu. Galing umano ang shabu sa Taiwan. Ang asawa ni Mata ay kasalukuyang nakakulong dahil sa pagtu­tulak din ng shabu.
Halos araw-araw ay may naaarestong drug suspect at mayroong napapatay. Pero tila walang katapusan ang pakikibaka sa drug traffickers. Maraming nakukumpiskang shabu araw-araw pero bukas o sa makalawa marami na naman at tila walang pagkaubos. Dumadagsa pa nang dumadagsa hindi lamang shabu kundi maging cocaine at ecstacy. Maski­ marijuana, marami na ring nagiging addict.
Maigting ang kampanya ng pamahalaan sa droga­. Pero mas mainam kung magpopokus sa pinagmumulan ng droga. Balewala ang drug operations kung patuloy naman ang supply. Igtingan din ang pagdakma sa source ng drugs.



























No comments:

Post a Comment

Panukalang Proyekto Panukala sa Pagpapagawa ng Daanan papuntang Aurora Para sa Barangay Malalinta Mula kay: Angelika V. N...