Wednesday, July 31, 2019

PAKIKIPANAYAM



Ang pakikipanayam o interbyu ay ang pangangalugad ng isang impormasyon na isang paraan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nanh harap-harapan. Kung nais nating makuha ang kinakailangan nating kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman na nais na maipabatid.



Pakikipanayam sa tindera;

Ako si Angelika V. Nava at ang aking kakapanayim ay isang tindera sa barangay MALALINTA SAN MANUEL, ISABELA na nag ngangalang Regina Acosta.
Angge: Magandang Araw po lola!

Tita gina: Magandang Araw din sayo!

Angge: Lola pwede ko po ba kayong kapanayamin?

Tita gina: Tungkol saan ba?

Angge: Tungkol po sa inyong pagtitinda o pagiging isang tindera?

Tita gina: sige,pwede naman 

Angge: Uumpisahan na po natin ang pananayam natin tita!

Tita gina: sige,ano ba tatanungin mo?

Angge:Tita bat po niyo naisipang magpatayo ng sari-sari store?

Tita gina: Nagpatayo ako/kami ng asawa ko ng sari sari store para may panghanap buhay kami at para matustusan namin ang aming  pangangailang sa aming pang araw araw na pangangailangan.

Angge: Malaki naman po ba kita niyo tita?

Tita gina: Ayos lang naman yung kita namin sa isang araw.

Angge: Sabagay po, may mga kakompetensiya kayo na mga tindahan sa mga kapitbahay niyo tita.

Tita gina: Oo.

Angge: Sige po tita, Maraming salamat po lola sa oras na binigay mo sakin sa pananayam.

Tita: Walang anuman.



                                                            
                                                        Mrs. REGINA T. ACOSTA


Image may contain: 1 person, smiling 

                                                          Ms. ANGELIKA V. NAVA




Tuesday, July 30, 2019

                          EDITORYAL 
 Maigting na kampanya sa illegal na droga
NARARAMDAMAN na ang sinabi ni President Duterte noong nakaraang linggo na ang huling tatlong taon niya sa puwesto ay magiging mabangis laban sa drug traffickers at pushers. Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod ang pagkakapatay sa mga drug suspect na nanlaban sa mga awtoridad. Marami ring nahuling “tulak”. At kahit marami nang napapatay at nahuhuli, marami pa rin ang guma­gawa nang masama – patuloy pa rin sa pagtutulak. Hindi lang shabu ang itinutulak ngayon kundi pati ecstacy na isang party drugs.
Kamakalawa, napatay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pinakamalaking supplier ng ecstacy sa Metro Manila. Nakipagbarilan sa mga awtoridad si John Steven Pasion maka­raang salakayin ng PDEA ang unit nito sa isang condominium sa Sta. Cruz, Manila. May dalang arrest warrant ang PDEA pero nagtangkang tumakas at nakipagbarilan. Tinamaan sa dibdib ang suspect. Naaresto naman ang ka-live-in nito na nakilalang si Irene Mercado. Si Pasion ang sinasabing taga-supply ng ecstacy sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.
Noong isang araw, naaresto naman ang isang 60-anyos na babae at nakuhaan ng P3-milyong halaga ng shabu sa bahay nito sa Makati. Nakuha sa suspect ang kalahating kilo ng shabu. Nakilala ang babae na si Susan Mata. Sabi ni Mata, inutusan umano siya ng kanyang asawa na ideliber ang shabu. Galing umano ang shabu sa Taiwan. Ang asawa ni Mata ay kasalukuyang nakakulong dahil sa pagtu­tulak din ng shabu.
Halos araw-araw ay may naaarestong drug suspect at mayroong napapatay. Pero tila walang katapusan ang pakikibaka sa drug traffickers. Maraming nakukumpiskang shabu araw-araw pero bukas o sa makalawa marami na naman at tila walang pagkaubos. Dumadagsa pa nang dumadagsa hindi lamang shabu kundi maging cocaine at ecstacy. Maski­ marijuana, marami na ring nagiging addict.
Maigting ang kampanya ng pamahalaan sa droga­. Pero mas mainam kung magpopokus sa pinagmumulan ng droga. Balewala ang drug operations kung patuloy naman ang supply. Igtingan din ang pagdakma sa source ng drugs.




























                                                            EDITORYAL


Image result for bullying editoryal














                                                               BULLYING

MARAMING nangyayaring bullying sa mga school at hindi na ito nalalaman ng mga ma­­gulang ng mga bata. Marami sa mga bata ang nananahimik na lamang kaya lalo namang nagpa­patuloy ang bullying. May mga bullying na huma­hantong sa pananakit.Kung hindi tumigil ang gumawa ng bully, maaaring manahimik na lamang ang estudyanteng binully at magpapatuloy ang pambubully sa kanya ng kaklase. 
Ang school ang nararapat na manguna sa pagsugpo ng bullying sa kanilang nasasakupan. Dapat nalalaman nila kung may nangyayaring pambu-bully at umaksiyon agad bago pa lubusang lumala ang ginagawa ng “sangganong estudyante’’.
Mga school ang nararapat maging listo sa mga estudyanteng may sintomas ng pambu-bully. Mahigpit na ipatupad ang Anti-Bullying Act para ma­iwasan ang bullying at madebelop ang psychosocial interventions sa biktima at sa nambubully. Kung nangyayari ang pambu-bully sa mga sikat na pribadong school, mas lalong nangyayari ito sa mga pampublikong eskuwelahan na mas marami ang “sangganong estudyante’’. Maging mapagmatyag at alerto naman ang mga magulang sa kanilang mga anak at baka nabu-bully ito o nambu-bully.
Sunod - sunod Nagpapakita ng pagiging maton at gustong manakot sa loob ng classroom. Sa totoo lang, marami nang kasong ganito pero hindi lamang nagsasalita ang biktima o nam-bully. Maaaring ayaw nang iparating sa kanyang magulang at baka ipatawag lamang sa school at magkaroon pa ng gulo. Mayroon namang mga biktima ng bullying na natatakot magsumbong sapagkat baka resbakan siya ng kaklaseng maton. Kaya minabuting manahimik na lamang at hayaang i-bully ng kaklase.
Pero hindi na maganda ang nangyayari sa ginagawang pambu-bully sa mga eskuwelahan (ma-pribado man at ma-publiko). Paano’y nasasangkot na ang mga magulang at kaibigan sa gulo. Mayroong iginaganti na lamang ang na-bully. Katwiran ay para patas na lang sila.
Mga guro dapat ang manguna at magbigay ng gabay sa mga nambu-bully para maiwasan ang ganong sitwasyon at para maiwasan ang bullying sa mga paaralan.


Image may contain: 1 person, smiling, sky, shoes, cloud and outdoor

      BIONOTE


Si ANGELIKA VALDEZ NAVA ay Ipinanganak sa Barangay
Malalinta,San Manuel, Isabela noong ika Marso 9, 2001 na Panganay sa apat na magka-kapatid. Siya
ay  nagtapos ng Elementarya sa Malalinta. Ang kaniyang Nanay ay si Eva V. Nava At ang kaniyang
Ama ay si Mariano D. Nava.Siya ay nagtapos ng Junior high school sa Malalinta National High School at lumipat siya ng eskwelahan noong ika-11 na baitan sa Callang National High School at Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag aaral ng Grade 12 sa Malalinta National High School.Sinisikap niyang makapag- tapos ng pag aaral para maabot niya ang kaniyang pangarap na maging Bachelor of Science in Tourism o Abogada.

Thursday, July 18, 2019


ABSTRAK


Sabay nang paglaganap ng nasyonalismo at pagbubuo ng pambansang identidad ay isang nabuong kilusang naglalayon ng indihenisasyon o “Pilipinisasyon” ng agham panlipunan sa ating bansa. Sa pananaw ng kilusang ito; ang karamihan ng mga mananaliksik ng lipunang Pilipino ay gumagamit ng mga konsepto at metodo ng pagsusuri na kadalasan ay batay sa mga itinuro ng mga espesialista mula sa kanluraning daigdig. Sa palagay ng mga indihenista, higit na mabisa at angkop ang siyentipikong pananaliksik kung ang gagamiting pamamaraan ng pagsusuri ay galing sa katutubong karanasan ng komunidad na sinisiyasat. Sa pamamaraang ito ay higit na matatamo ang malalim na pag-unawa sa Pilipino, sa kanyang kamalayan at pagkatao, sa kanyang kaugalian at mga elementong nagpapalakad ng kanyang lipunan. Binibigyang kabuluhan ng bagong kaisipang ito ang indihenisasyon sa kasalukuyang pagsisikap tungo sa pambansang kaunlaran.

    

Panukalang Proyekto Panukala sa Pagpapagawa ng Daanan papuntang Aurora Para sa Barangay Malalinta Mula kay: Angelika V. N...