Monday, August 5, 2019


Panukalang Proyekto


Panukala sa Pagpapagawa ng Daanan papuntang Aurora Para sa Barangay Malalinta

Mula kay: Angelika V. Nava
Brgy. Captain Rogelio Pandera
Malalinta San Manuel Isabela
Ika –27 ng Oktobre 2019
Haba ng Panahong Gugugulin: 4 na buwan, 3 linggo at 3 araw


I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng Barangay Malalinta ay ang napaka hirap na daanan dito. Minsan nagiging sanhi pa ng disgrasya ang mahirap na daanang ito. Lalo pag umuulan mas dumudulas ang daan na nagiging sanhi ng disgrasya.

Dahil dito mas mainam na ipaayos na ang daan sa Barangay Malalinta at ng maging maayos na ang transportasyon papunta at paalis dito. Upang maiwasan na rin ang mga disgrasyang dulot nito.


II. Layunin
Maipaayos ang daanan ng Barangay Malalinta at ng maging maginhawa na ang byahe ng mga tao rito. Nais din ng proyektong ito na maiwasan na ang mga disrasyang dulot nito.



III. Plano na Dapat Gawin
1. Pagpapasa, paghahanda, paglalabas ng budyet at maging pag- aaproba.
- (1 linggo)
2. Pagbibidding na gagawin sa mga kontaktor at magongontrata sa paggawa ng Daanan.
- (2 linngo)Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani- kanilang tawad para sa pagpapaayos ng daanan kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagsasagawa ng pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa at pagpapaayos ng daanan.
- (2 araw)Gagawin rin sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontaktor par asa kabatiranng nakakarami.
4. Pagsasagawa ng daanan sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Malalinta.
- (4 na buwan)
5. Pagbabasbas at pagpapasinaya ng daanan.
- (1 araw)


V. Badyet
Mga Gastusin Halaga
I. Presyo o halaga ng pagpapagawa ng daanan batay sa isinumite ng napiling kontraktor (kalakip na rito ang sweldo ng mga trabahador at ang lahat ng mga kontraktor)
Php. 4,980,000.00
II. Halaga ng mga gastusin sa pagbabawas at pagpapasinaya nito.
Php. 20, 000.00
II. Kabuuang Halaga
Php. 5,000,000.00


V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito
Ang pagpapagawa ng daanan ay magiging malaking tulong at pakinabang ng mga mamamayan sa Barangay Malalinta San Manuel Isabela.

Sunday, August 4, 2019



     ADGENDA     


Miyerkules, Hulyo 31, 2019



ADGENDA NG PAGPUPULONG NA PATUNGKOL SA FEEDING PROGRAM



Petsa:
ika-23 ng hulyo taong 2019


Pook na Pag-dadausan ng Pulong:
Malalinta Community Center


Mga Inaasahang Dadalo;
                                        
Hon. Rogelio C. Pandera
Kag. Domingo Manarang
Kag. Pablo Meniado
Kag. Regina Acosta
Kag. Marites Palac
Kag. Rey Palac
Kag. Jesusa Nero
Kag. Pedro Pagaduan



Layunin ng Pag-pupulong:
Makabuo ng plano at aktibidades sa isasagawang feeding program.


Mga Gagawin;

Pagbubukas ng programa na pangungunahan ni 
Domingo Manarang.
Pagbabalitaktakan sa mga gagawing aktibidades sa Feeding program na gaganapin sa Malalinta Community Center na pangungunahan ni Marites Palac.
Pag-apruba sa mga napag-usapang aktibidades na pangungunahan ng ating Punong Barangay na si Hon. Rogelio Pandera.
Pagpipinale ng mga napag-usapan at pagbigay ng mga kanya kanyang Gawain ng mga Barangay officers na pangungunahan ni Punong Barangay na si Rogelio Pandera.
Pagsasara ng programa na pangungunahan ni kagawad Rey Palac.














PAKIKIPANAYAM



Ang pakikipanayam o interbyu ay ang pangangalugad ng isang impormasyon na isang paraan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nanh harap-harapan. Kung nais nating makuha ang kinakailangan nating kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman na nais na maipabatid.



Pakikipanayam sa tindera;

Ako si Angelika V. Nava at ang aking kakapanayim ay isang tindera sa barangay MALALINTA SAN MANUEL, ISABELA na nag ngangalang Regina Acosta.
Angge: Magandang Araw po lola!

Tita gina: Magandang Araw din sayo!

Angge: Lola pwede ko po ba kayong kapanayamin?

Tita gina: Tungkol saan ba?

Angge: Tungkol po sa inyong pagtitinda o pagiging isang tindera?

Tita gina: sige,pwede naman 

Angge: Uumpisahan na po natin ang pananayam natin tita!

Tita gina: sige,ano ba tatanungin mo?

Angge:Tita bat po niyo naisipang magpatayo ng sari-sari store?

Tita gina: Nagpatayo ako/kami ng asawa ko ng sari sari store para may panghanap buhay kami at para matustusan namin ang aming  pangangailang sa aming pang araw araw na pangangailangan.

Angge: Malaki naman po ba kita niyo tita?

Tita gina: Ayos lang naman yung kita namin sa isang araw.

Angge: Sabagay po, may mga kakompetensiya kayo na mga tindahan sa mga kapitbahay niyo tita.

Tita gina: Oo.

Angge: Sige po tita, Maraming salamat po lola sa oras na binigay mo sakin sa pananayam.

Tita: Walang anuman.


                                                            
                                                        Mrs. REGINA T. ACOSTA

Image may contain: 1 person, smiling 

                                                          Ms. ANGELIKA V. NAVA



























          




















          














                 Talumpati

                                 Image result for talumpati tungkol sa magulang

                 Pagmamahal ng Magulang, Ating Bigyang Halaga!

Naalala ninyo pa ba kung kailaan ninyo huling sinabihan ng “I love you” o “mahal kita” ang inyong mga magulang? Sino ang mas madalas ninyong sabihan ng mga katagang iyan? Sino nga ba ang mas pinahahalagahan ninyo?
Simula’t sapul minahal na tayo ng ating mga magulang. Hindi pa lamang tayo iniluluwal, alagang-alaga na nila tayo. Siyam na buwang pagtitiis ng ating ina, magisnan lang natin kung gaano kaganda ang daigdig. Habang ang ating ama naman ay nagpapakahirap, mapaghandaan lamang ang ating kinabukasan.
Nang tayo’y isinilang, hindi masusukat ang kasiyahang naramdaman nila. Lumipas ang panahon, tinuruan nila tayo kung paano maglakad, magsalita, magbasa at magsulat. Sila ang gumabay sa atin sa tamang landas. Kahit nalilito at namomoblema kung saan kukunin ang pampaaral sa atin, ginawa nila ang lahat,at para mapag-aral lamang tayo sa isang maganda at de-kalidad na paaralan.
Nang tayo’y lumaki, natuto tayo kung paano sagut-sagutin ang ating mga magulang. Natuto rin tayo kung paano suwayin ang mga utos nila. Tila biglang nakalimutan ang mga sakripisyong ginawa nila para sa atin. Isinawalang-bahala natin ang mga araw na halos himatayin sa pagod sa pagtatrabaho ang ating mga magulang. Sakit at pighati lamang. Dapat nga iparamdam natin sa kanila na naririto lang tayo handang damayan at pasayahin sila. Pero alam n’yo ba, na kahit nasasaktan sa mga maling ginagawa at sa masasakit na salita na ibinigay natin sa kanila ay hindi nila magawang ipagtabuyan tayo? Hindi nga talaga masusukat ang pagmamahal nila para sa atin, na kahit talikuran, saktan at ipagtabuyan natin sila, handa pa rin nila tayong tanggapin at mahalin.
Alam naman natin kung gaano nila tayo kamahal pero ang tanong, magbubulag-bulagan pa rin ba tayo? Sa simpleng pagsabi ng I love you sa kanila, alam niyo ba kung gaano na sila kasaya? Hindi naman tayo gagastos kung sasabihin natin ang mga katagang iyan.
Paano pa nga ba natin sila pasasayahin? Paano pa nga ba natin masusuklian ang mga sakripisyong ginawa nila para sa atin?
Simple lang, mag-aral nang mabuti upang makatapos at magkaroon ng diploma. Dahil ang diploma natin ay katumbas ng isang ginto para sa kanila. Yaman na hindi mapapalitan ng kahit na ano. Yaman na katumbas ay walang hanggang kasiyahan. Maaari rin na bigyan natin sila ng panahon na makasama tayo.
Lagi nating tatandaan na mabilis lang ang takbo ng oras. Bawat minuto o segundo ay mahalaga, kaya habang nandyan at kapiling pa natin ang ating mga magulang, iparamdam kung gaano natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa ating buhay.
Magpasalamat sa pagbibigay-buhay nila sa atin, lalung-lalo na sa mga sakripisyong ginawa nila, mabigyan lang tayo ng magandang kinabukasan. Humingi ng tawad sa lahat ng ating ginawang pagkakamali at sa mga panahong pinaiyak natin sila at ang panghuli, sabihan sila ng mga katagang, “mahal kita” o “mahal ko kayo mama’t papa”.
Salamat, patawad, mahal ko kayo, simpleng mga salita pero katumbas ay walang hanggang kasiyahan.
Huwag hintaying kunin sila ng ating Panginoon. Tandaan, hindi natin hawak ang hinaharap!

                                             Sintesis
                           Prinsipyo ng Lipunang Pilipino

        Ang alamat ng gubat ay sumasailalim sa pagkatao ng bawat Pilipino. Ang bawat karakter sa alamat ng gubat ay merong sariling prinsipyo at pangmataasan ng ugali. Ang alamat ay hindi lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat Pilipino ay gagawin ang lahat para lang sa pamilya ganyan din si tong na ginagawa ang lahat para sa ama na may sakit. Ang alamat ay hindi lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat karakter sa alamat ng gubat ay nagpapakita ng pangmataasang ugali sa bawat isa, Isa na dito ang mga hayop at insekto na inaawayan kung sino ang maghari. Sa paglalakbay ni tong sapaghahanap ng puso ng saging marami pang nadaanan bago makarating sa puso ng saging. Mahahalintulad ito sa Pilipino na maraming dadaanan na problema at pagsubok na tatalakayin bago makuha ang inaasam. Ang alamat ng gubat ay hindi lang pambata na kwento ito ay sumasalamin at ordinaryong pangyayari sa mga tao sa lipunan na ang ibang tao gustong makuha kung ano ang gusto.

     Mula sa mambabasa makakakuha ito ng magandang halimbawa ng mga tao dahil sa kasalukuyan ngayon ang mga tao ay unti-unti nang nawalan ng prinsipyo sa sarili. Sa panahon ngayon ganyan ang nanyayari sa ating bansa na ang taong gusto maging lider ay gusto lang para umangat ang sariling kapakanan hindi sa lahat. Sa alamat ng gubat ni bab ong ay kailangan mong may disciplina at prinsipyo sa sarili dahil ito nakapagbigay ng magandang halimbawa ng mga tao. Ang pagiging isang Pilipino ay merong mapangapi at may inaapi. Ang panahon natin ngayon ay imbis na umunlad tayo, nag hilaan pababa ang mga tao sa tingin na nauuna ang iba. Ang paghahanap sa puso ng saging ang halimbawa nito dahil sa kagustuhan ng bawat isa na magkaroon ng kakaibang kapangyarihan pag napasa ang puso ng saging. Ang isa pa ay ang dayaan at suhulan na nangyayari din sa ating pamahalaan ay makikita rin ito sa eleksyon noon na sihulan ang mga tao. Mababatid natin ang suhulan ng kuneho sa mga langaw na kung saan pinipili ang kuneho para itong maging hari ng gubat.

     Sa kabuuan ng kwento matutunan ng mambabasa ang kwento ng gubat na sa huli ay nagsasalita si matsing “Handa ba bang magtanim ng batas sa gubat, talangka? Kaya mo bang ipag-utos sa mga hayop ang respeto? Desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? Determinado ka bang sugpuin ang kabangisan? Nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? Kakayanin mo bang magpadikta sa bulong ng konsensya?” Lumundag si Matsing sa harapan ni Tong para sa huling hamon: “Gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay—sa gubat”Ang mga salitang iyan ay mas bubuo sa pagkatao ng pagka Pilipino sa ating bayan, bilang isang kabataan ito ang kaharap na pagsubok natin ngayon na naging apektado ang lahat ng Pilipino ngayon sa paguugali kung paano ito dadalhin.



Wednesday, July 31, 2019

PAKIKIPANAYAM



Ang pakikipanayam o interbyu ay ang pangangalugad ng isang impormasyon na isang paraan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nanh harap-harapan. Kung nais nating makuha ang kinakailangan nating kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman na nais na maipabatid.



Pakikipanayam sa tindera;

Ako si Angelika V. Nava at ang aking kakapanayim ay isang tindera sa barangay MALALINTA SAN MANUEL, ISABELA na nag ngangalang Regina Acosta.
Angge: Magandang Araw po lola!

Tita gina: Magandang Araw din sayo!

Angge: Lola pwede ko po ba kayong kapanayamin?

Tita gina: Tungkol saan ba?

Angge: Tungkol po sa inyong pagtitinda o pagiging isang tindera?

Tita gina: sige,pwede naman 

Angge: Uumpisahan na po natin ang pananayam natin tita!

Tita gina: sige,ano ba tatanungin mo?

Angge:Tita bat po niyo naisipang magpatayo ng sari-sari store?

Tita gina: Nagpatayo ako/kami ng asawa ko ng sari sari store para may panghanap buhay kami at para matustusan namin ang aming  pangangailang sa aming pang araw araw na pangangailangan.

Angge: Malaki naman po ba kita niyo tita?

Tita gina: Ayos lang naman yung kita namin sa isang araw.

Angge: Sabagay po, may mga kakompetensiya kayo na mga tindahan sa mga kapitbahay niyo tita.

Tita gina: Oo.

Angge: Sige po tita, Maraming salamat po lola sa oras na binigay mo sakin sa pananayam.

Tita: Walang anuman.



                                                            
                                                        Mrs. REGINA T. ACOSTA


Image may contain: 1 person, smiling 

                                                          Ms. ANGELIKA V. NAVA




Tuesday, July 30, 2019

                          EDITORYAL 
 Maigting na kampanya sa illegal na droga
NARARAMDAMAN na ang sinabi ni President Duterte noong nakaraang linggo na ang huling tatlong taon niya sa puwesto ay magiging mabangis laban sa drug traffickers at pushers. Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod ang pagkakapatay sa mga drug suspect na nanlaban sa mga awtoridad. Marami ring nahuling “tulak”. At kahit marami nang napapatay at nahuhuli, marami pa rin ang guma­gawa nang masama – patuloy pa rin sa pagtutulak. Hindi lang shabu ang itinutulak ngayon kundi pati ecstacy na isang party drugs.
Kamakalawa, napatay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pinakamalaking supplier ng ecstacy sa Metro Manila. Nakipagbarilan sa mga awtoridad si John Steven Pasion maka­raang salakayin ng PDEA ang unit nito sa isang condominium sa Sta. Cruz, Manila. May dalang arrest warrant ang PDEA pero nagtangkang tumakas at nakipagbarilan. Tinamaan sa dibdib ang suspect. Naaresto naman ang ka-live-in nito na nakilalang si Irene Mercado. Si Pasion ang sinasabing taga-supply ng ecstacy sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.
Noong isang araw, naaresto naman ang isang 60-anyos na babae at nakuhaan ng P3-milyong halaga ng shabu sa bahay nito sa Makati. Nakuha sa suspect ang kalahating kilo ng shabu. Nakilala ang babae na si Susan Mata. Sabi ni Mata, inutusan umano siya ng kanyang asawa na ideliber ang shabu. Galing umano ang shabu sa Taiwan. Ang asawa ni Mata ay kasalukuyang nakakulong dahil sa pagtu­tulak din ng shabu.
Halos araw-araw ay may naaarestong drug suspect at mayroong napapatay. Pero tila walang katapusan ang pakikibaka sa drug traffickers. Maraming nakukumpiskang shabu araw-araw pero bukas o sa makalawa marami na naman at tila walang pagkaubos. Dumadagsa pa nang dumadagsa hindi lamang shabu kundi maging cocaine at ecstacy. Maski­ marijuana, marami na ring nagiging addict.
Maigting ang kampanya ng pamahalaan sa droga­. Pero mas mainam kung magpopokus sa pinagmumulan ng droga. Balewala ang drug operations kung patuloy naman ang supply. Igtingan din ang pagdakma sa source ng drugs.




























                                                            EDITORYAL


Image result for bullying editoryal














                                                               BULLYING

MARAMING nangyayaring bullying sa mga school at hindi na ito nalalaman ng mga ma­­gulang ng mga bata. Marami sa mga bata ang nananahimik na lamang kaya lalo namang nagpa­patuloy ang bullying. May mga bullying na huma­hantong sa pananakit.Kung hindi tumigil ang gumawa ng bully, maaaring manahimik na lamang ang estudyanteng binully at magpapatuloy ang pambubully sa kanya ng kaklase. 
Ang school ang nararapat na manguna sa pagsugpo ng bullying sa kanilang nasasakupan. Dapat nalalaman nila kung may nangyayaring pambu-bully at umaksiyon agad bago pa lubusang lumala ang ginagawa ng “sangganong estudyante’’.
Mga school ang nararapat maging listo sa mga estudyanteng may sintomas ng pambu-bully. Mahigpit na ipatupad ang Anti-Bullying Act para ma­iwasan ang bullying at madebelop ang psychosocial interventions sa biktima at sa nambubully. Kung nangyayari ang pambu-bully sa mga sikat na pribadong school, mas lalong nangyayari ito sa mga pampublikong eskuwelahan na mas marami ang “sangganong estudyante’’. Maging mapagmatyag at alerto naman ang mga magulang sa kanilang mga anak at baka nabu-bully ito o nambu-bully.
Sunod - sunod Nagpapakita ng pagiging maton at gustong manakot sa loob ng classroom. Sa totoo lang, marami nang kasong ganito pero hindi lamang nagsasalita ang biktima o nam-bully. Maaaring ayaw nang iparating sa kanyang magulang at baka ipatawag lamang sa school at magkaroon pa ng gulo. Mayroon namang mga biktima ng bullying na natatakot magsumbong sapagkat baka resbakan siya ng kaklaseng maton. Kaya minabuting manahimik na lamang at hayaang i-bully ng kaklase.
Pero hindi na maganda ang nangyayari sa ginagawang pambu-bully sa mga eskuwelahan (ma-pribado man at ma-publiko). Paano’y nasasangkot na ang mga magulang at kaibigan sa gulo. Mayroong iginaganti na lamang ang na-bully. Katwiran ay para patas na lang sila.
Mga guro dapat ang manguna at magbigay ng gabay sa mga nambu-bully para maiwasan ang ganong sitwasyon at para maiwasan ang bullying sa mga paaralan.


Image may contain: 1 person, smiling, sky, shoes, cloud and outdoor

      BIONOTE


Si ANGELIKA VALDEZ NAVA ay Ipinanganak sa Barangay
Malalinta,San Manuel, Isabela noong ika Marso 9, 2001 na Panganay sa apat na magka-kapatid. Siya
ay  nagtapos ng Elementarya sa Malalinta. Ang kaniyang Nanay ay si Eva V. Nava At ang kaniyang
Ama ay si Mariano D. Nava.Siya ay nagtapos ng Junior high school sa Malalinta National High School at lumipat siya ng eskwelahan noong ika-11 na baitan sa Callang National High School at Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag aaral ng Grade 12 sa Malalinta National High School.Sinisikap niyang makapag- tapos ng pag aaral para maabot niya ang kaniyang pangarap na maging Bachelor of Science in Tourism o Abogada.

Panukalang Proyekto Panukala sa Pagpapagawa ng Daanan papuntang Aurora Para sa Barangay Malalinta Mula kay: Angelika V. N...