Talumpati
Pagmamahal ng Magulang, Ating Bigyang Halaga!
Naalala ninyo pa ba kung kailaan ninyo huling sinabihan ng “I love you” o “mahal kita” ang inyong mga magulang? Sino ang mas madalas ninyong sabihan ng mga katagang iyan? Sino nga ba ang mas pinahahalagahan ninyo?
Simula’t sapul minahal na tayo ng ating mga magulang. Hindi pa lamang tayo iniluluwal, alagang-alaga na nila tayo. Siyam na buwang pagtitiis ng ating ina, magisnan lang natin kung gaano kaganda ang daigdig. Habang ang ating ama naman ay nagpapakahirap, mapaghandaan lamang ang ating kinabukasan.
Nang tayo’y isinilang, hindi masusukat ang kasiyahang naramdaman nila. Lumipas ang panahon, tinuruan nila tayo kung paano maglakad, magsalita, magbasa at magsulat. Sila ang gumabay sa atin sa tamang landas. Kahit nalilito at namomoblema kung saan kukunin ang pampaaral sa atin, ginawa nila ang lahat,at para mapag-aral lamang tayo sa isang maganda at de-kalidad na paaralan.
Nang tayo’y lumaki, natuto tayo kung paano sagut-sagutin ang ating mga magulang. Natuto rin tayo kung paano suwayin ang mga utos nila. Tila biglang nakalimutan ang mga sakripisyong ginawa nila para sa atin. Isinawalang-bahala natin ang mga araw na halos himatayin sa pagod sa pagtatrabaho ang ating mga magulang. Sakit at pighati lamang. Dapat nga iparamdam natin sa kanila na naririto lang tayo handang damayan at pasayahin sila. Pero alam n’yo ba, na kahit nasasaktan sa mga maling ginagawa at sa masasakit na salita na ibinigay natin sa kanila ay hindi nila magawang ipagtabuyan tayo? Hindi nga talaga masusukat ang pagmamahal nila para sa atin, na kahit talikuran, saktan at ipagtabuyan natin sila, handa pa rin nila tayong tanggapin at mahalin.
Alam naman natin kung gaano nila tayo kamahal pero ang tanong, magbubulag-bulagan pa rin ba tayo? Sa simpleng pagsabi ng I love you sa kanila, alam niyo ba kung gaano na sila kasaya? Hindi naman tayo gagastos kung sasabihin natin ang mga katagang iyan.
Paano pa nga ba natin sila pasasayahin? Paano pa nga ba natin masusuklian ang mga sakripisyong ginawa nila para sa atin?
Simple lang, mag-aral nang mabuti upang makatapos at magkaroon ng diploma. Dahil ang diploma natin ay katumbas ng isang ginto para sa kanila. Yaman na hindi mapapalitan ng kahit na ano. Yaman na katumbas ay walang hanggang kasiyahan. Maaari rin na bigyan natin sila ng panahon na makasama tayo.
Lagi nating tatandaan na mabilis lang ang takbo ng oras. Bawat minuto o segundo ay mahalaga, kaya habang nandyan at kapiling pa natin ang ating mga magulang, iparamdam kung gaano natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa ating buhay.
Magpasalamat sa pagbibigay-buhay nila sa atin, lalung-lalo na sa mga sakripisyong ginawa nila, mabigyan lang tayo ng magandang kinabukasan. Humingi ng tawad sa lahat ng ating ginawang pagkakamali at sa mga panahong pinaiyak natin sila at ang panghuli, sabihan sila ng mga katagang, “mahal kita” o “mahal ko kayo mama’t papa”.
Salamat, patawad, mahal ko kayo, simpleng mga salita pero katumbas ay walang hanggang kasiyahan.
Huwag hintaying kunin sila ng ating Panginoon. Tandaan, hindi natin hawak ang hinaharap!
Sintesis
Prinsipyo ng Lipunang Pilipino
Ang alamat ng gubat ay sumasailalim sa pagkatao ng bawat Pilipino. Ang bawat karakter sa alamat ng gubat ay merong sariling prinsipyo at pangmataasan ng ugali. Ang alamat ay hindi lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat Pilipino ay gagawin ang lahat para lang sa pamilya ganyan din si tong na ginagawa ang lahat para sa ama na may sakit. Ang alamat ay hindi lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat karakter sa alamat ng gubat ay nagpapakita ng pangmataasang ugali sa bawat isa, Isa na dito ang mga hayop at insekto na inaawayan kung sino ang maghari. Sa paglalakbay ni tong sapaghahanap ng puso ng saging marami pang nadaanan bago makarating sa puso ng saging. Mahahalintulad ito sa Pilipino na maraming dadaanan na problema at pagsubok na tatalakayin bago makuha ang inaasam. Ang alamat ng gubat ay hindi lang pambata na kwento ito ay sumasalamin at ordinaryong pangyayari sa mga tao sa lipunan na ang ibang tao gustong makuha kung ano ang gusto.
Mula sa mambabasa makakakuha ito ng magandang halimbawa ng mga tao dahil sa kasalukuyan ngayon ang mga tao ay unti-unti nang nawalan ng prinsipyo sa sarili. Sa panahon ngayon ganyan ang nanyayari sa ating bansa na ang taong gusto maging lider ay gusto lang para umangat ang sariling kapakanan hindi sa lahat. Sa alamat ng gubat ni bab ong ay kailangan mong may disciplina at prinsipyo sa sarili dahil ito nakapagbigay ng magandang halimbawa ng mga tao. Ang pagiging isang Pilipino ay merong mapangapi at may inaapi. Ang panahon natin ngayon ay imbis na umunlad tayo, nag hilaan pababa ang mga tao sa tingin na nauuna ang iba. Ang paghahanap sa puso ng saging ang halimbawa nito dahil sa kagustuhan ng bawat isa na magkaroon ng kakaibang kapangyarihan pag napasa ang puso ng saging. Ang isa pa ay ang dayaan at suhulan na nangyayari din sa ating pamahalaan ay makikita rin ito sa eleksyon noon na sihulan ang mga tao. Mababatid natin ang suhulan ng kuneho sa mga langaw na kung saan pinipili ang kuneho para itong maging hari ng gubat.
Sa kabuuan ng kwento matutunan ng mambabasa ang kwento ng gubat na sa huli ay nagsasalita si matsing “Handa ba bang magtanim ng batas sa gubat, talangka? Kaya mo bang ipag-utos sa mga hayop ang respeto? Desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? Determinado ka bang sugpuin ang kabangisan? Nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? Kakayanin mo bang magpadikta sa bulong ng konsensya?” Lumundag si Matsing sa harapan ni Tong para sa huling hamon: “Gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay—sa gubat”Ang mga salitang iyan ay mas bubuo sa pagkatao ng pagka Pilipino sa ating bayan, bilang isang kabataan ito ang kaharap na pagsubok natin ngayon na naging apektado ang lahat ng Pilipino ngayon sa paguugali kung paano ito dadalhin.